Caption..

Walang ilaw. Ang lakas ng ulan kanina. Parang signal number 3. Ang sarap kumanta kasi walang nakakarinig, nagtxt ako kay Em, nag aya ako ng inom, halos araw araw na ata akong umiinom, yosi, wala na akong ibang alam, ang bigat na ng pakiramdam ko, pero twing nagyoyosi ako, nababawasan ang stress ko, tuwing nalalasing ako, diko masyadong naiisip ang problema, yun nalang ata ang nagbibigay ng temporary relief sakin, sh*t. Hilo na ako.. Ilang bote palang to ah, hilong parang nakaubos na ako ng isang case.. Sumuka ako pagkatapos ay dko na makontrol ang katawan ko, unti unting namanhid ang buo kong katawan hanggang sa wala na akong maramdaman, dina din ako makapagsalita, lasing lang ang katwan ko, yung isip ko buhay, t****na ngayon lang ako nagkaganto, senyales na kaya na kailangan ko nang itigil ang pag inom at yosi? oo siguro, ilang beses ko na din kasing sinubukang itigil kaso mahirap talaga. Biglang nawalan ako ng malay..
Lumiwanag ng ilang segundo at nawala lahat ng kalasingan, hilo, sakit ng ulo at pamamanhid ng katawan ko, bigla akong natayo sa kinahihigaan ko, nagtaka ako kung bakit nawala ang kalasingan ko, nausawan ata ako kagad dahil sa pagsuka, ang gaan ng pakiramdam ko.

[~] Napansin ko na nakaupo padin ang mga barkada ko, yung iba nagiiinuman pa, habang nakabantay sila sa nakahigang….. Teka sino yun? Parehas kami ng suot, yung butas ng hikaw din. Biglang nanghina ang pakiramdam ko ng linapitan ko yung binabantayan nila! Katawan ko yung nakahiga! Napaiyak ako, diko alam kong ano ang nangyayari, naguguluhan ako! Patay na ba ako?

åBiglang nagflash back lahat ng ginawa ko, mula sa paginom hanggang nung asa trabaho ako, para syang isang malaking TV sa harapan ko, pinapanood ko lahat ng mga nangyari sakin. Diko maipaliwanag ang lahat, ayokong isipin pero parang tama ako sa iniisip ko, patay na ba ako? hindi, pano na ang pamilya ko? pano na ang mga kaibigan ko? pano na ang lahat kung totoo ngang patay na ako?

Naglakad ako palayo sa katawan, umiiyak, naguguluhan, tumakbo at wala na akong pakialam kung san ako makarating, kaylangan ko ng magpapaliwanag kung ano ang nangyayari nang biglang may nakabangga ako sa aking pagtakbo, matandang lalaki na diko alam ang pangalan. Nagpasensya ako at nagpatuloy sa pagtakbo. Tumigil ako sa pagtakbo at naglakad ako habang pinupunas ko ang luha ko. Isang malalim na boses ang nanggaling sa kung saan man..
“Alam kong naguguluhan ka, pero darating ang oras na maiintindihan mo rin ang lahat.”

Ayan ang boses na aking narinig. Nang matunugan ko kong galing iyon sa aking likuran, tumingin ako, nakita ko yung matandang lalakeng nabangga ko kanina.

“Sino po kayo? patay na po  ako? bakit nakikita ko ang katawan kong nakahiga? di manlang ba alam ng mga kasama ko na patay na ako?”

Yan ang mga tanong ko sa lalaki na diko alam kung masasagot nga ba nya ang lahat ng yun. Ngumiti lang sya.
“di mo pa oras anak. alam ko na madami kapang tatapusin pero wag mong kakalimutan na hiram lang ang buhay kung kayat kaylangan mo din itong pahalagahan, lagi mo ring tandaan na lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan kahit na minsan ay hi ndi ito pabor sa iyong kagustuhan, makikita at malalaman mo ang kasagutan sa tamang panahon.”

May echo yung boses, bigla syang naglaho at nilamon ng puting usok ang kanyang katawan. Diko sigurado kung asan ako banda. Maglalakad na sana ako nang biglang namanhid ang aking katawan, bumagsak ako sa lupa, nagkaroon ako ng sugat sa tuhod, unti unti akong nahilo at nagsuka.. sobrang daming suka. Mayhumawak sa katawan ko upang alalayan ako sa pagsuka, pinainom ako ng tubig, hilong hilo ako at nang matauhan ako ay andun na ako ulit sa dati kong kinalalagyan kung san ako nahiga bago ako malasing. Tinanong ako ni Em kung okay ako. Nagising ako at nasa tabi ko na ulit sila. Napaiyak ako at niyakap ko sila, “tol nakabalik na ko sa katawan ko!!”..  ang sabi ko pero  nagtawanan silang lahat, kanina pa daw ako tulog ng mahimbing habang naghihilik.. Di ko maipaliwanag pero okay lang at least alam kong nakabalik ako, isa lang ang di ako sigurado , yun ay kung totoo o panaginip ang lahat.

Pauwi na ako samin, tapos na ang inuman at mag aalas dose na ng gabi, nag alok sila na ihatid ako pero tumanggi ako.. Kaya dina nila ako napilit. Sa aking paglalakad, may nakasalubong akong nakabike. Baka magjuejueteng lang pero nang makatapat sakin ay bigla syang nagsalita..

” hindi pa huli ang lahat.” Pabulong pero may echo, kinilabutan ako, nang titigan ko sya ay isa nga sya sa mga mag juejueteng samin pero pamilyar ang boses. Boses ng matanda kanina.

~JP♏

The Perks of being Wall Flower

The Perks of Being a Wallflower is a coming-of-age epistolary novel by American writer Stephen Chbosky which was first published on February 1, 1999 by Pocket Books. Its narrator is an introverted teenager known as Charlie, who describes his experiences in a series of letters to an anonymous stranger. Set in the early 1990s, the novel follows Charlie through his freshman year of high school in a Pittsburgh suburb. Intelligent beyond his years, he is an unconventional thinker; as the story begins, the reader learns that Charlie is also shy and unpopular.

Mr. Wiki not JP.

WordPress.com.

Up ↑